Mananatiling maalinsangan ang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Biyernes.
Ayon sa Pagasa, umiiral pa rin ang easterlies o maligamgam na ihip ng hangin mula sa silangan na siyang dahilan ng maalinsangan na panahon.
Bagamat, magkakaroon pa rin ng mga isolated rain showers sa ilang panig ng bansa dahil sa mga thunderstorms.
Kabilang sa mga apektado ng thunderstorms ay ang Metro Manila, western Mindanao at western Visayas.