Nasa final preparations na umano ang North Korea para sa pagsasagawa ng ika-apat na nuclear test.
Tanging go signal na lang ng pinuno ang kailangan para ituloy ang nuclear test.
Bagama't sinabi ng South Korean official na maari ring huwag ituloy ng Pyongyang ang nuclear test sa ilang dahilan.
Una nang sinabi ng North Korea na hindi nila isinasantabi ang nuclear test, sa kabila ng babala ng international community, bilang protesta sa joint military exercises ng Amerika at South Korea at pagkondena sa isinagawa ng Pyongyang na pagpapalipad ng rocket nitong mga nakaraang buwan.