Nananatili sa Partly Free Level ang "Press Freedom" sa bansa.
Ayon sa “Freedom of the Press 2014” report ng Freedom House, nakakuha ang Pilipinas ng 44 points, dahilan para umakyat ito sa pang-87 spot sa listahan, mas mataas mula sa 88th spot noong nakaraang taon.
Kabilang sa survey ang 197 na bansa, 63 dito ang nasa “free” ang press freedom level; 68 naman, kasama ang ang nasa “partly free” at 66 na bansa ang hindi malaya.
Bagama’t mababa ang ranking ng Pilipinas, ito pa rin ang nakakuha ng pinakamataas na lebel ng press freedom sa mga bansa sa ASEAN.