Nagpahayag ng pagkadismaya si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes matapos na hindi siya nakatanggap ng sulat o komunikasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs kaugnay ng posibleng pagsabog ng dalawang aktibong bulkan sa probinsya.
Ito ay makaraang inihayag ni Philvocs Director Dr. Renato Solidum na itinuturing na major devastation ang maaaring idulot hindi lamang sa South Cotabato kundi sa buong Socsksargen Region sakaling sumabog ang Mt. Matutum na nasa bayan ng Polomolok at Mt. Parker na nasa bayan ng T'boli.
Sinabi ng Gobernadora, na makikipag-ugnayan siya sa Philvocs ngayong araw kaugnay ng inilabas na report.
Ipinagdiinan din ng gobernadora na kahit wala pa man silang natatanggap na bababala mula sa Philvocs, subali't gumagawa na umano ng paraan ang provincial government lalo na ng mga precuationary measures sa posibleng mangyayari.
Ipinag-utos na rin umano nito ang pagbibigay ng lecture sa mga opisyal at mamamayan ng dalawang bayan na huwag mag-panic, sa halip ay maging handa sa anumang oras.
Napag-alaman na 300 years ng hindi sumabog ang dalawang aktibong bulkan sa lalawigan.