Ipinag-utos ngayon ng MalacaƱang ang review ng mga safety measures at emergency responses sa tents ng mga survivors ng super typhoon Yolanda sa Tacloban City matapos ang magkasunod na sunog na ikinamatay ng ilang katao.
Tanghali ng Miyerkules ang unang sunog at kahapon muling nagkaroon ng apoy.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, humihingi rin sila ng paumanhin at pang-unawa sa anumang pagkukulang ng gobyerno.
Ayon kay Coloma, nananawagan din sila ng mga kongkretong panukala dahil hindi raw magagawa lahat ng gobyerno.
Seryosong usapin daw ito at dapat marepaso ang mga safety precautions upang maiwasang maulit pa ang trahedya.