Maglulunsad sa Hulyo 2, 2014, ng Nationwide Earthquake Drill na pangungunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Kasunod ito ng mga naitalang lindol nitong mga nakaraang linggo sa Luzon at Mindanao.
Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Alexander Pama, isasagawa ang drill sa iba't-ibang key areas sa buong Pilipinas.
Sentro ng aktibidad na maging handa ang mga mag-aaral at naninirahan sa matataas na gusali sa panahon ng malakas na pagyanig.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng National Disaster Consciousness Month na pormal na uumpisahan sa Camp Aguinaldo sa Martes, Hulyo 1.