Kasabay ng ikaapat na taon ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa pwesto ngayong araw, ilulunsad naman ang People's Initiative laban sa lahat ng anyo ng pork barrel.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, layunin ng aktibidad na makalikha ng batas na hindi idadaan sa Kongreso.
Kapag ang panukala kasi ay nalikha sa pamamagitan ng pagkilos ng taongbayan, hindi ito maaaring harangin ng pangulo kahit siya ang lalagda rito para maging ganap na batas.
Kabilang sa mga inaasahang makikibahagi sa programa ay ang mga grupong: Abolish Pork Movement, Cebu Coalition against Pork Barrel at ilang religious groups.
Isasagawa ito sa Quezon City Sports Center mamayang alas-10:30 ng umaga.