Meron isang tanong na laging tinatanong sa sarili ko, na di ko naman agad masasagot. Ewan ko ba’t kung bakit. Seguro nababaliw na nga ako. Seguro nga! Dahil di kita makakalimutan at lalo na ang mga sandaling magkasama tayo.
‘Yun ang pinakamahalagang nakaukit ngayon sa isipan ko. Ikaw ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko, pag-asang muling bumangon mula sa’king pagkadapa. Ikaw ang nagpasaya sa’kin mula sa kalungkutan ko. Pinunasan mo ang aking mga luha. Ikaw ang dahilan at kung bakit nahilom ang mga sugat na natamo sa dibdib ko mula sa nasawing pag-ibig ko. Umaapaw ang kaligayahan ko kapag kasama kita. Alam ng diyos ang lahat na eto.
Ngunit, sa isang iglap ay meron palang hangganan ang lahat. Eto na naman ako, naulit na naman muli ang sakit nararamdaman ko. Ang sakit-sakit. Ang kaligayahan na nadama ko’y napalitan ng kalungkutan. Dahil, wala kana sa tabi ko. Iniwanan mo ako na walang dahilan.
Sa isang munting awitin at ika’y nagalit sa’kin.
Ano ang meron sa awitin na di mo gusto? Kapag humingi ako ng patawad mula sa’yo, maraming tumatakbong dahilan sa isipan mo na di naman matatanggap ng dibdib ko. Iba ‘yung sinasabi ng dibdib ko. Dahil ang totoo’y iba ang nararamdaman kong dahilan mula sa’yo. Kahit, di ka makatingin sa’kin ng matuwid ay mababasa ko sa mga mata mo na meron ibang dahilan at kung bakit ika’y nagalit sa’kin.
Sinisisi ko ang aking sarili na ako’y nagkamali. Sinira ko ang pagtitiwala mo at ang pagkakaibigan natin. Sana ako’y mapatawad mo. Di ko sinasadya ang lahat.
Sana’y malaman mo, hanggang ngayo’y hinahanap ko pa rin ang matamis mong ngiti. Umaasang masilayan muli at muling maibalik ang kaligayahan na nadama katulad ng dati na kay saya natin.
Ang hiling ko sa Diyos na sana’y mapatawad mo ako.
0 comments:
Post a Comment