Araw ng JS Prom
Sabay dumating sina Strawberry at Lemon sa venue ng Prom. Sa pinto pa lang sila ay nakatitig na ang lahat ng tao sa kanila, lalo na kay Strawberry. Di maalis-alis ang mga titig ng mga ito kay Strawberry, kahit ang mga titig ni Dumpy na kanyang bestfriend ay nakapako din sa kanya.
Kulay rosas na gown ang suot ni Strawberry, na siyang nagpalitaw sa kanyang kagandahan.
Nakita ni Dumpy na masayang-masaya si Strawberry sa kabilang mesa na kasama si Lemon. Alam niyang dapat maging masaya siya para sa kanyang bestfriend. Pero, bakit parang naiinggit siya.
Mula ng pagkabata ay magkasama na sina Dumpy at Strawberry. Magkaklase mula elementarya hanggang sila ay nag-hayskul. Isang buwan na lang ay ga-graduate na sila sa hayskul. Sabi ng kanilang mga kaibigan ay mas bagay pa raw na maging magkasintahan sila kaysa sa maging mag-bestfriend. Tinutukso sila palagi. Pero magkaibigan lang talaga silang dalawa. At ang totoo niyan ay may boyfriend na si Strawberry, ito ay si Lemon.
Tumugtog ang kantang Forevermore by Side-A Band. Tumayo si Strawberry at si Lemon. Sasayaw sila.
Hindi maintindihan ni Dumpy ang kirot na nararamdaman niya habang pinapanood ang dalawa na sumasayaw. Bigla siyang tumayo sa inuupuan at tumakbo palabas ng Gymnasium. Nakita siya ni Strawberry.
Sa labas, naratnan ni Strawberry si Dumpy. "Dumpy... may problema ba?" tanong niya.
Matagal na nagsalita si Dumpy. " Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa tuwing makikita ko kayo ni Lemon na magkasama, nasasaktan ako."
"Nagseselos ka ba?..Dumpy naman, mag-bestfriend tayo di ba?"
"Sabi mo lang yan! Pero iba yung nararamdaman ko para sayo!"
"Alam ko, ramdam ko! Pero hindi pwede ang iniisip mo! Alam mo naman kung sino ang gusto ko! At hindi ikaw yun! Mahal kita, pero bilang kaibigan lang! Para na kitang kapatid! Pasensya na, bestfriend! Ibaling mo nalang ang iyong pagtingin sa iba!" sabay talikod kay Dumpy.
Akala ni Dumpy na mamahalin din siya ng kanyang bestfriend pagkatapos nasabi niya ang lahat, pero nagkamali siya. Pagkatapos ng Prom ay hindi na muling lumapit si Strawberry sa kanya. Umiiwas na ito.
Umuwi si Dumpy sa kanila na dala ang kabiguan. Nasaktan siya ng husto at hindi niya alam kung paano gamutin ang sakit na naramdaman niya.Buwan ng mga puso. Pero para kay Dumpy, ito ay Valentine Broken para sa kanya.Talagang wala nang pag-asa. First love never dies, aniya. At mas masakit kung sa iyong bestfriend mo pa ito naramdaman at binalewala lang. Talagang masakit, masakit na masakit.
Nakalipas ng ilang oras, nakatanggap ng tawag si Dumpy mula sa Mommy ni Strawberry na umiiyak. " Dum, si Strawberry... nandito sa ospital." iyak na sabi.
Naaksidente ang sinasakyang traysekel ni Strawberry habang siya ay pauwi galing sa kanilang Prom, nabangga ito sa truck. Tumama ang ulo nito sa matigas na bagay. Kaya, malubha ang kanyang kalagayan ngayon.
Nang mabalitaan ni Dumpy ang nangyari kay Strawberry, agad siyang sumugod sa ospital. Nanginginig ang kanyang tuhod sa bawat hakbang ng kanyang paa papunta sa Emergency Room. Nang sa labas pa lang siya ng E.R, narinig niya ang iyakan sa loob. Dali-dali siyang pumasok. Naabutan niya ang nurse habang tinatanggalan ng oxygen si Strawberry. Parang nagunaw ang kanyang mundo, at halos hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Wala na ang kanyang bestfriend.
"Huwag kang magalit sa akin, Dum. Hindi ko naman sinasadyang saktan ka. Ang lahat ng narinig mo ay pawang kasinungalingan lamang. Pinilit lang ako ni Strawberry para magpanggap na boyfriend niya. Siya ang lahat nagplano nito para pagseselosin ka. Mahal ka niya, Dum. Gusto niya ibigay sayo ito, gusto niya basahin mo ang laman ng notebook niya." sabi ni Lemon kay Dumpy habang inaabot ang notebook sa kanya, umalis ito agad.
Nanginginig ang kamay ni Dumpy habang dahan-dahan binuksan ang notebook. Nakita niya ang picture nila ni Strawberry na nakaipit sa gitna. Sa likod may nakasulat... " I love you, Dum!" nagulat siya sa linyang yun.
Agad binasa niya ang laman ng notebook...
"Dum, bestfriend, pasensya na. Ayokong saktan ka. Mahal na mahal kita.
Alam ko, mali ang ginawa ko. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko
sabihin sayo ang lahat nito. Nabigla ako ng sabihin mo sa akin
na gusto mo rin ako. Alam mo nasaktan ako nung nakita kitang
umiyak dahil sinabi kong para lang kitang kapatid.
Nasasaktan ako, lalo nang nagmamakaawa ka sa akin,
tumalikod ako at iniwan ka. Gusto na kitang yakapin
at halikan ng mga sandaling yun. Pinigilan ko lang ang sarili ko.
Dum, sorry din, pinakiusapan ko si Lemon na magpanggap na boyfriend ko.
Hindi naman naging kami ni Lemon, hindi ko siya nagging boyfriend.
Paano naman maging kami, ang totoo niyan ay isa siyang bakla,
hindi lang alam ng buong campus, at ako lang ang nakakaalam sa sekrito niya.
Nakiusap lang ako kung pwede ko siyang gamitin upang pagselosin ka.
Ikaw ang mahal ko, ikaw ang pinapangarap ko na maging boyfriend ko,
at makasama sa pagtanda natin. Mahal na mahal kita."
...nang mabasa ni Dumpy ang lahat na yun, lalong sumakit ang naramdaman niya. Para siyang mababaliw. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ni Strawberry. " Mahal na mahal din kita!" sabi niya. Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan sabay sigaw ang pangalang... " Starwberrrrry!"
#TAMBAYAN STORY
0 comments:
Post a Comment