Isang araw, muling namiminsala ang higante sa bayan. Sa bawat kanyang madampot na mga tao ay kanyang hinahagis sa malayo. Marami siyang napatay. Hanggang tinangay ng higante si Prinsesa Poblacion ang anak ni Haring Cubay na hari sa bayan. Dinala ng higante si Prinsesa Poblacion sa bundok.
Inalok ng isang datu ang hari ng kanyang tulong na siya ang pupuksa sa malaking higante. Ang pangalan niya ay si Datu Mangkas. Siya ay makisig at mahiwaga.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na higante at maililigtas mo ang aking anak ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman at ipapakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Poblacion." paghangang wika ng hari.
Naglakbay si Datu Mangkas papuntang bundok. Sa paglalakbay niya ay nakasalubong niya ang isang langgam. Dahil may kapangyarihan siya makipag-usap sa mga insekto at sa mga hayop ay tinawag niya ang langgam.
"Paki-usap langgam, tulongan mo ako. Ang lahat ng mga kasamahan mo na langgam ay papuntahin mo sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na higante. Ito ay para na rin sa ating kapayapaan. Magsigapang kayo sa buong katawan niya at inyong kagatin."
Gayun din ang sinabi ni Datu Mangkas sa mga bubuyog.
"Pupugin ninyo ang kanyang mga mata hanggang sa mabulag."
Hanggang sa mga lawin na handang tumulong sa kanya.
"Inyong kamutin at tukain ang kanyang ulo at katawan hanggang sa mamatay."
Lahat sila ay nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang higante sa dami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang higante. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot hanggang natumba sa lupa. Tinutuka at dinudukot ng mga lawin ang mga mata, at pinagtatagpas ni Datu Mangkas ang katawan ng malaking higante. Niligtas ni Datu Mangkas si Prinsesa Poblacion mula sa kamay ng salot na malaking higante.
Masayang-masaya nang bumalik sa bayan si Datu Mangkas na dala si Prinsesa Poblacion. Tuwang-tuwa si Haring Cubay sa kagitingan ni Datu Mangkas. Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinakasal niya ang kanyang anak na si Prinsesa Poblacion kay Datu Mangkas.
#KUWENTONG ALAMAT
0 comments:
Post a Comment