May napili na ba kayong kandidato na inyong babatohin- a, esti... bobotohin ngayong Barangay Election, ngayong Lunes na, Oktubre 28?
Sana, huwag naman katulad nito...
Kung wala pa kayong napili! Puwes, narito ang TIPS ko para sa inyo, kung paano magpili ng isang lider sa ating Barangay.
Para sa pagbabago at pag-uunlad ng ating Barangay, dapat piliin natin ang isang lider na meron siyang prinsipyo, pagkatiwalaan, masipag, matulongin, maunawain at madaling lapitan kapag may Election, at kapag nakaupo na mahirap ng hanapin.
Tanong ko, "Nasaan si Chairman, bakit wala siya sa Barangay Hall?" Sagot ng tsismosa, "Ayon, nandoon siya sa sa KIREDA- HALL!"
Bato- bato sa langit ang matamaan- magalit na kung magalit! Basta... SIYA NA!!!
Higit sa lahat sa isang lider, meron siyang isang salita na hindi naman ginagawa... sensero sa pagnanakaw ng pundo ng Barangay... at tapat (hindi sa Barangay kundi sa asawa. E, paano naman kasi takot sa asawa.)
Oh, ano sila ba ang inyong pipiliin?..
0 comments:
Post a Comment