Kanina, dakung alas 4:30 ng hapon habang ako ay pauwi sa amin. Ako ay nagulat sa aking nakita. Akala ko, anong meron. Akala ko din lumindol na naman. Sabi ko sa aking sarili, "tila wala naman!" Paano kasi nagsisilabasan ang lahat ng mga tao sa amin sa kani-kanilang mga bahay. Paglapit ko. 'Yun, ho! Tumambad sa akin ang dalawang opisyalis ng aming barangay, si Kapitan Otsik Duco at si Kagawad Arlu Aplasca na tilang tinamaan ng malakas na lindol at ang kani-kanilang mga mukha ay nabibitak sa galit.
Nagulat ako, lalo na ang buong residente ng Brgy. Bagonawa, dito sa bayan ng San Enrique. Bumulaga kasi sa aming harapan ang dalawang opisyalis ng barangay na pawang lulong sa kalasingan habang nagtatalo.
Sinugod kasi ni Kagawad Aplasca ang bahay ni Kapitan Duco na pawang magkakatabi lamang ang bahay ng dalawa, sa dahilanang may narinig si Kagawad na hindi maganda mula kay Kapitan. Kaya sa sobrang pikon ni Kagawad Aplasca, sinugod niya si Kapitan Duco at pinamumura. Kaya sa galit ni Kapitan Duco pinatulan niya si Kagawad Aplasca.
Mga ma-iinit na salita ang aming narinig mula sa kanilang dalawa. Mga masasakit na salita ang binabato ng bawat isa. Hanggang dumating sa punto na hinamon ni Kagawad Aplasca si Kapitan Duco na sila ay mag- one on one. Mabuti nalang agad naman silang hinawat ng mga residente. Kung nagkakataon, Pacquiao at Rios ang dalawa at nakaganun tilang mistulang boxing ring pa ang kalagitnaan ng kalsada.
Walang nagawa ang mga barangay opisyalis sa dalawa nilang kasamahan upang ayosin ang mga gusot nito. Kaya, tumawag nalang sila ng pulis sa bayan. Agad namang romesponde ang mga kapulisan ng San Enrique Police. Kahit ang mga pulis ay wala ding nagawa sa dalawa.
Sa kabila niyon, tinangka pa ring inutusan ni Kapitan Duco ang mga pulis na hulihin si Kagawad Aplasca, sa kadahilanang pagsugod nito sa kanyang bahay at pinamumura. Kaagad namang nagtago ang Kagawad sa loob ng kanyang bahay. Hindi namang magawang hulihin at pasukin ng mga kapulisan ang bahay ng Kagawad dahil wala silang Warrant. Kaya, magdamag na lamang binantayan ng mga kapulisan ang dalawa para hindi na mapag-abot muli.
Hmm! Sa pagkakaalam ko, nakaraang Barangay Election magkapartedo ang dalawa... Eto pala... Ngayong darating na Barangay Election, Oktubre 28 at sa Lunes na, ibang kandidato pala ang sa pagkapunong barangay ang sinusuportahan ni Kagawad Aplasca. At ito din kaya ang kadahilanan na kinakagalit ni Kapitan Duco?
Etona! Eto na! Nagsisilabasan na ang kanilang...tttttttttttttttttt!
0 comments:
Post a Comment