Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal at paalala ng Commission on Elections o Comelec laban sa Vote Buying, matunog at kapansin pansin ang kanya-kanyang gimik ng mga kandidato sa pagsimula pa lang ng botohan kanina. Nagmistulang may nagaganap na relief operation sa ilang barangay. Ito'y matapos ang agaw-pansin na pamimigay ng mga nakabalot na grocery items at bigas ng ilang kumakandidatong Barangay Officials sa kanilang mga kababayan. Napag-alaman na iniimbitahan ng mga kandidato ang mga bontante papunta sa kanilang bahay upang abutan ng mga nasabing grocery items.
0 comments:
Post a Comment