Umaabot sa dalawampu-katao ang sugatan matapos mahulog sa gumuhong tulay sa Barangay Magosilum, bayan ng Cantilan, probinsya ng Surigao del Sur noong Lunes, Nob. 11, 2013, bandang alas-5 ng hapon.
Ang naturang tulay na gawa sa kahoy ay nag-collapse matapos dumaan ang maraming tao na maghahatid sana sa isang libing sa Cantilan Cemetery nang
bumigay ang Municipal Bridge kung saan aabot sa
20-katao ang nahulog na pawang sugatan.
Kaagad namang nagsagawa ng Rescue Operation ang puwersa ng Maritime-Philippine National Police, Coast Guard, at mga tauhan ng Cantilan Police Station kung saan tumagal ng 45 minuto ang operasyon.
Suwerteng walang naitalang Casualty o nalunod sa ilog.
0 comments:
Post a Comment