Mahigit umano sa 36 million katao ang naapektuhan ng pananalasa ng Supertyphoon Yolanda sa bansa. Ang naturang bilang ay mula sa limang mga rehiyon, binubuo ng 17 mga probinsiya, 16 na mga syudad at 67 na mga munisipalidad na naapektuhan ang mga residente. Sa ngayon merong kabuuang 315 na mga evacuation centers ang itinayo ng pamahalaan. Halos isang milyon o higit sa 913,319 katao naman ang tinutulungan ngayon ng DSWD na karamihan ay mga nagsilikas.
0 comments:
Post a Comment