Umakyat na sa 3,621 ang bilang ng mga kumpirmadong patay sa hagupit ng Super Typhoon Yolanda sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, isang linggo matapos ang pananalasa ni Yolanda.
Umaabot naman sa 12,165 ang injured o sugatan habang 1,140 pa ang missing.
Kasabay nito ay nagpalabas ng Gag Order ang NDRRMC sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa bilang ng mga namatay sa bagyong At inatasan ang lahat na ahensiya na huwag magpalabas ng hindi opisyal o hindi na-validate na mga figures.
Ang tanging magsasabi na lang ng opisyal na bilang ng mga namatay ay si Del Rosario at si Defense Secretary Voltaire Gazmin na tumatayong Chairman ng NDRRMC.
Ang Gag Order ay inilabas ng NDRRMC kasunod ng report ng United Nations Office of the Coordination of Humanitarian Affairs na nasa 4,460 na ang namatay sa kalamidad.
Bagama't mas mababa ang official figure ng NDRRMC kumpara sa UN, mas mataas pa rin ito sa pagtaya ng Pangulong Noynoy Aquino.
Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na sa kaniyang pagtaya ay nasa 2,500 lang ang namatay sa bagyo.
Katunayan, sinibak ang Direktor ng Police Regional Office 8 na si Elmer Soria matapos nitong sabihin na sa kaniyang pagtaya ay nasa 10,000 ang namatay sa bagyong Yolanda.
0 comments:
Post a Comment