Umakyat na ngayon sa lima ang binawian ng buhay habang ilan ang sugatan sa nangyaring salpukan ng dalawang Bus, dakong alas-3:00 kaninang madaling araw sa Quirino Highway, Barangay Comadaycaday sa Del
Gallego, Camarines Sur kung saan sangkot ang dalawang Bus at isa rito ay mula sa Tacloban City.
Sa
report na nakarating sa PNP-Region 5, ang mga nagbanggaang Bus ay JMC
Tours mula Tacloban lulan ang ilang survivors ng Bagyong Yolanda at
nagkarga ng relief goods. Habang ang kasalpukan nito ay ang Raymond Bus na galing Cubao patungo naman ng Naga.
Sa inisyal na imbestigasyon kapwa nagkabanggaan ang harapan na bahagi ng dalawang sasakyan.
Napag-alaman na apat ang patay mula sa Raymond Bus habang isa naman sa JMC Tour na sinasabing isa sa mga driver ng Bus.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima gayundin ang mga nasugatan na dinala sa magkakahiwalay na pagamutan sa Camarines Sur at Quezon.
Hindi pa naman matukoy ng otoridad kung ano ang kabuuang pangyayari sa nasabing aksidente.
0 comments:
Post a Comment