Nagpaliwanag si DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na hindi dapat mabahala ang mga residente sa lugar dahil wala aniyang makukuhang sakit sa mga ito. Paglilinaw nito, walang idudulot na panganib sa katawan ng tao ang mga nangangamoy ng bangkay dahil wala naman ditong nabubuhay na mikrobyo. Mas dapat umanong katakutan ay ang mga buhay na siyang pwedeng magdala ng sakit dahil sa ito ang nakakahawa. Tulad na lamang aniya ng pagbabahing dala ng sipon at pag-uubo. Isa pa sa posibleng makunan ng sakit ay ang maruming tubig at hindi magandang Sanitation na posibleng pagmulan ng Outbreak ng Diarrhea. At dahil sa binaha rin umano sa lugar at medyo maputik pa sa ilang bahagi nito ay malaki rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng Leptospirosis.
Kaugnay nito, kinumpirma ng opisyal na marami silang gamot ngunit kanilang pinoproblema ang pagpapadala nito lalo pa aniya at nababalitaan nila na karamihan ng dinadala doon ay hinaharang na ng mga residente. Nililibot na rin umano ng kanilang mga kasamahan ang mga lokal na pamahalaan upang mailibing na agad ang mga patay para mas maging maayos na ang lahat at matutukan na ang pagbibigay tulong sa mga nasugatan at mga biktimang sa ngayon ay nagkakasakit na.
#NEWS
0 comments:
Post a Comment