Binawi na ngayon ng Pagasa ang lahat ng Storm Warning Signals sa alinmang bahagi ng bansa, habang patuloy ang paghina ni "Agaton," na ngayon ay isa na lamang Low Pressure Area o LPA.
Huling namataan ang sentro ng kaulapan nito sa layong 400 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Davao City o 455 kilometro sa silangan ng General Santos City.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang babala ng mga kinauukulan sa mga pag-ulang dulot ng Weather System.
Samantala, lumagpas na sa P300-million Mark ang iniwang pinsala ng Bagyong Agaton sa Mindanao, bunsod nang ilang araw hanggang ngayong pag-ulan.
Sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, kasama sa may pinakamalaking naitalang Cost of Damage ay Northern Mindanao, Davao at Caraga regions.
Kabilang umano rito ang mahigit P125-million sa Infrastructure at P204-million sa Agriculture Sector.
Una nang napa-ulat na 41 na ang naitalang nasawi dahil sa mga pagbaha at landslides dulot ng masamang lagay ng panahon.
Tinukoy din sa report ng NDRRMC na may 59 na mga kalsada at 24 na tulay ang hindi ngayon madaanan.
0 comments:
Post a Comment