Ginawa ni NBI NCR Sssistant Regional Director Vicente De Guzman ang pahayag sa press conference sa NBI headquarters matapos na ipalabas sa harap ng media ang CCTV footage.
Ayon kay Atty. De Guzman, isa sa malinaw na nagpapakita sa video footage ay nang mangyari ang pambubugbog ay nasa labas ng kanyang condo unit si Cornejo. Paniwala pa ng opisyal, walang naganap na tangkang panggagahasa kay Cornejo batay sa kanilang nakalap na ebidensiya lalo na kung pagbabatayan ang CCTV. Sa inisyal ding imbestigasyon ng NBI ay meron ng dalawang kasamahan ni Cedric na nasa loob na ng condo unit ni Cornejo bago pa man dumating si Vhong. Ang dalawang suspek na ito ay hindi rin nakita o nakasama sa pagdating ng grupo ni Cedric sa lobby ng condominium. Ang dalawang lalaki na ito ay nakita na lamang sa loob ng elevator makalipas ang mahigit sa 30 minuto na bitbit na si Vhong at bugbog sarado.
Ayon kay De Guzman, nagtutugma ito sa naunang pahayag ni Vhong na sa pagpasok niya sa kuwarto ay merong bigla na lamang lumabas na dalawang lalaki. Ang tatlong set ng CCTV footages ay mga kuha sa entrance, lobby at elevator ng condominium.
Lumalabas na dakong alas-10:38 ng gabi nang pumasok si Navarro sa Tower 2 ng condominium unit ni Cornejo, habang alas-10:40 ng gabi naman nang lumabas ang aktres mula sa loob ng unit. Dakong alas-10:40 ng gabi nang nakapasok sa unit si Cedric at ilang minuto lamang ang nakalipas ay pumasok din ang dalawa pang kasamahan ng negosyante kasama ang kapatid na babae na si Benice at isang Mike habang nasa labas pa ang aktres. Umabot ng higit 30 minuto bago nakalabas ng mismong condominium unit si Navarro na nakagapos na ang kamay kasama ang nasa walong iba pa na kinabibilangan ng dalawang babae at anim na kalalakihan dakong alas-11:13 ng gabi.
Iba pang highlights mula sa CCTV
-10:38pm - pumasok si Vhong Navarro sa lobby ng building
-10:40pm - lumabas ng lobby si Deniece Cornejo
-10:40:58pm - pumasok sa lobby si Cedric Lee
-10:43:08pm - pumasok si Ferdinand Guerrero, at isa pa
-10:48pm - pumasok ang isang Mike
-10:56pm - pumasok si Vernice Lee kapatid ni Cedric
-11:01pm - bumalik o lumabas si Cedric, Vernice at Deniece
-11:13pm - lumabas ang grupo na may gapos si Vhong kasama sina Cedric Kapansin-pansin na nasa siyam katao na ang grupong nakalabas ng condominium unit na kinabibilangan ni Navarro
Samantala,itinuloy ni Deniece Milinette Cornejo ng kasong panggagahasa laban kay Ferdinand "Vhong" Navarro. Pasado alas-4:00 kahapon ng hapon nang dumating sa Taguig City Hall of Justice ang actress/model, kasama ang kaniyang mga abogadong sina Atty. Howard Calleja at Atty. Connie Jimenez.
Nakasuot ang modelo ng shades, puting blouse at itim na coat nang panumpaan ang kaniyang affidavit. Nilinaw ng kampo nito na kaya inabot ng isang linggo bago naihain ang demanda ay dahil sa traumang dinanas makaraang ang insidente, maging ang masasamang salita umanong kaniyang inabot mula sa mga fans ng aktor. Minaliit naman ng kampo ni Cornejo ang mga pahayag ng NBI na pumapanig sa testimonya ng aktor ang laman ng CCTV footage. Giit ni Atty. Calleja, piling bahagi lamang iyon, habang may sarili naman silang mga ebidensya.
0 comments:
Post a Comment