Ayaw munang mag-commit ng suporta ang Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa panukalang nakahain sa Senado na buhayin ang death penalty.
Unang inihain ni Sen. Tito Sotto III sa Senado ang dealth revival bill laban sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen gaya sa drug operations, rape at pagpatay.
Sinabi ni Pangulong Aquino, dapat munang mapag-aralan ang mga detalye dahil masyado itong sensitibo.
Ayon kay Pangulong Aquino, hindi siya kumbinsidong deterent ang death penalty sa mga krimen at mas mabuting palakasin ang paghabol sa mga kriminal, ikulong at maparusahan.
Nag-aalangan din daw ang Pangulong Aquino sa pagpapatupad ng nasabing batas dahil sa problema sa justice system.
Baka raw pati inosenteng mga akusado ay mapapatay dahil sa kabiguang makakuha ng magaling na abogado at ipagtanggol ang sarili sa due process.
0 comments:
Post a Comment