Tinanggal na ng Pagasa ang signal number 2 sa mga lugar na unang naapektuhan ng bagyong Basyang.
Ito ay dahil humina na ang bagyo habang unti-unting papalayo sa Visayas papunta sa West Philippine Sea.
Sa ngayon nasa 55 kilometro bawat oras na lamang ang lakas ng bagyo at natukoy ang sentro nito bago magtanghali sa layong 339 kilometro sa hilagang silangan ng Puerto Princesa City.
Bagama't nakataas pa rin ang signal number one sa Romblon, Palawan kasama ang Calamian Group of Islands, southern part of Oriental Mindoro, southern part ng Occidental Mindoro, Negros Occidental, Guimaras, Aklan, Capiz, Antique at Iloilo.
Pinaalalahanan din ang mga barko na iwasan munang pumalaot sa mga lugar na may babala ng bagyo.
Umaabot naman sa 40 mga biyahe ng eroplano ang kanselado ngayong araw dahil sa bagyong Basyang. Kabilang sa mga kanseladong domectic flights ay ang 32 biyahe ng Cebu Pacific, apat na biyahe ng PAL Express, at apat na biyahe ng Air Asia Zest.
Samantala, maagang sinimulan ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Southern Leyte ang clearing operation matapos ang sunod-sunod na landslide na naitala sa nasabing lugar.
Ayon kay Dist. Engr Maya Junia, nabatid na aabot sa pito ang naitalang mga landslide na kinabibilangan ng mga lugar ng San Francisco, liloan, Amaga, Punta, Macasa at Mayuga sa Libagon, Pantio Villa at Padre Burgos naman sa Sogod, Leyte.
Dahil dito, hindi pa ngayon madaan ng kahit anong sasakyan ang daan papuntang Liloan, Leyte habang one way pa lang sa papuntang Maasin, Leyte.
0 comments:
Post a Comment