Kinampihan ngayon ni dating 4 Division World Champion Juan Manuel Marquez si Filipino Ring Icon Manny Pacquiao na manalo sa kanilang rematch ni WBO Welterweight Champion Timothy Bradley Jr.
Ayon kay Marquez, kung hindi umano magbabago ng istratehiya si Bradley sa gagawin nilang muling paghaharap ni Pacquiao ay hindi malayong mananalo ang Filipino Boxing Champion.
Sinabi pa ni Marquez, wala na umanong dapat pang baguhin sa galaw ni Pacman dahil hindi nito kayang sabayan ng American Undefeated Boxer.
Aminado rin ang Mexican Warrior na iba ang nangyari sa ibabaw ng Boxing Ring sa lumabas na resulta sa mga judges sa unang laban nina Pacman at Bradley.
Kung maalala kapwa tinalo ni Bradley sina Pacquiao at Marquez.
0 comments:
Post a Comment