BACOLOD CITY - Stranded ngayong araw sa lungsod ng Bacolod ang delegasyon ng Batang Pinoy National Championship dahil sa Bagyong Basyang. Napag-alaman na ngayong araw ang schedule ng pag-uwi ng mga atleta na sumali sa kompetisyon ngunit hindi matuloy dahil sa kanselasyon ang biyahe ng mga barko at eroplano.
Ayon kay Athur De Guzman, ang Chairman sa Transportation Committee, pinagliban muna nila ang paghatid sa delegasyon papunta sa pier at airport pauwi sa kani-kanilang nitong lugar dahil sa advisory sa biyahe.
Umaabot naman sa 2,500 na mga atleta ang nandito sa Bacolod City humalin pa noong Enero 28 hanggang ngayong araw Febrero 1 para sa Batang Pinoy National Championship.
Siniguro naman ng mga organizers na hindi nila pabayaan ang mga ito hanggang sa ila ay makauwi na.
0 comments:
Post a Comment