MOISES PADILLA - Aksidenteng nabaril ng isang ama ang kanyang sariling anak sa bayan ng Moises Padilla sa lalawigan ng Negros Occidental.
Nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms ang ama na kinilala kay Joselito Valenzuela, 44-anyos ng Brgy. Inolingan bayan ng Moises Padilla.
Batay sa imbestigasyon ng Moises Padilla Police Station, lasing umano ang suspek kung saan nagkasagutan sila ng ina nito at bayaw.
Dala ng kalasingan ay uminit ang kanilang pagtatalo na ikinaglit ng husto ng suspek kung kaya kumuha ito ng baril at nagpaputok. Aksidente namang natamaan ang sarili nitong anak na si Jovelyn Valenzuela, 7-anyos.
Tama sa likod na tumagos sa kidney ang tinamo ng biktima na naka-confine ngayon sa Western Visayas Regional Hospital sa lungsod ng Bacolod.
Samantala, naisampa na ang kaso laban kay Joselito Valenzuela, at kulong na ngayon sa Moises Padilla Police Station.
0 comments:
Post a Comment