Inanunsyon ng higanteng social networking site na Facebook ang kanilang balakin na pagbili sa virtual reality firm na Oculus VR sa halagang $2 billion.
Ang Oculus ang siyang gumagawa ng Oculus Rift headset, na inilalagay sa mata para makapanood ng virtual environment na sumasabay sa galaw ng ulo ng tao.
Ang naturang produkto ay hindi pa naman available sa mga consumers.
Sinasabing ang mga developers na interesado sa paggawa ng software para sa naturang device ay maaring mabili ito sa $350 bawat isa.
Umaabot na umano sa 75,000 ang tinanggap na orders ng kompaniya.
Pero ang Facebook CEO na si Mark Zuckerberg ay tumangging mag-comment na mangyayari ito.
Inamin naman ng bilyonaryong si Zuckerberg na ang pagkuha nila sa Oculus ay upang paghandaan ang mangyayari sa kinabukasan dahil ito raw ang susunod na magiging in-demand.
Ang latest high-profile acquisition ng Facebook ay kasunod ng pagbili rin nito sa mobile messaging service na WhatsApp noong nakaraang buwan sa halagang $19 billion.
Dalawang taon na ang nakakaraan nang bilhin din ng Facebook ang mobile photo app na Instagram na nagkakahalaga naman ng $1 billion.
0 comments:
Post a Comment