Pitong unit ng Ceres Bus sa Negros Occidental, pinatawan ng 30-day suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, ito ay matapos masangkot sa banggaan sa Sitio Ipil, Brgy. Pilar Highway sa bayan ng Hinigiran, Negros Occidental noong Marso 4 ng umaga na ikinasawi ng limang pasahero habang 32 naman ang sugatan.
Ayon kay LTFRB Western Visayas Regional Director Romulo Bernardez, bukod sa pitong Ceres bus ay kasama rin sa sinuspinde ang nakabanggaang minibus ng Vallecar Transit.
Inihain nina Bernardez ang suspension order sa operator ng Ceres Bus Line at Vallecar Transit Inc. noong Biyernes.
Isasailalim ang mga bus sa road worthiness test habang kakailanganin ding sumalang sa Land Transportation Office o LTO seminar at drug testing ang mga drayber ng bus units na nasa ilalim ng sinuspindeng prangkisa.
Dagdag ni Bernardez, makapag-a-apply lang ng lifting of suspension ang bus company kapag nakumpleto na nito ang mga requirement ng LTFRB.
0 comments:
Post a Comment