BACOLOD CITY - Humihingi ngayon ng tulong ang pamilya ng isang nurse mula sa Bacolod City na napatay sa Riyadh, Saudi Arabia para mabalik ang bangkay nito sa Pilipinas.
Nagdangat na sa Department of Foreign Affairs ang pamilya para matulongan sila sa repatriation sa bangkay ni Evelyn Delos Santos, 38-anyos at isang nurse na nagtatrabaho sa King Adull Aziz Medical City for National Guard sa Riyadh.
Maliban dito humihingi din ng tulong ang pamilya na ma-imbestigahan ang totoong nangyari sa pagkamatay nito. Ang biktima ay natagpuan na lamang na wala nang buhay sa kanyang silid noong Marso 7, 2014 at inuulat na posible ito ang napatay sa dehydration ngunit may pagdududa ang pamilya na may foul play na nangyari at may kinalaman ang asawa nito na Egyptian.
Napag-alaman na noong Nobyembre 2013 lang nagpakasal ang biktima sa Egyptian.
0 comments:
Post a Comment