Sa kabila ng katandaan, pinatunayan ng isang lolo ang kasabihang "age doesn't matter" upang makamit ang pangarap na makapagtapos ng sekondarya.
Masayang magtatapos ng high school ang 75-anyos na si Benigno "Ben" Tenario Aquino na residente ng Barangay Buenlag sa bayan ng Calasio, lalawigan ng Pangasinan.
Nabatid na Alternative Learning System ang kaniyang naging paraan upang matapos ang sekondarya kasabay ng kaniyang apo.
Hinango din umano ang kaniyang pangalan sa yumaong senador si Benigno "Ninoy" Aquino dahil idolo ito ng kaniyang mga magulang.
0 comments:
Post a Comment