May babala si Senator Miriam Defensor-Santiago sa kapwa Ilongo na mga politiko.
Kasabay ng commencement exercises ng West Visayas State University sa lungsod ng Iloilo kahapon kung saan siya ang naging speaker.
Sinabi ng senadora, alam niya kung sino ang mga magnanakaw na politiko sa Iloilo.
Ayon pa rito, kung sino ang may malaking proyekto sa Iloilo ay siya ring may malaking kickback.
Nagbabala pa ito na kapag mabigyan nang pagkakataon na mag-deliver ng isa pang speech, isa-isa niya pangangalanan ang mga corrupt Ilongo officials.
Dagdag pa ng Senadora, nagkamali yata siya sa kinuhang kurso kung saan kumuha pa siya ng doctorate degree sa ibang bansa na ang maging papel lang pala niya ay ang pakikipaglaban sa mga magnanakaw na politiko.
Ayon dito, sana ay nag-aral na lamang siya ng martial arts dahil ito ang kanyang kailangan sa ngayon.
Maliban sa matapang na salita laban sa mga corrupt, nag-enjoy rin ang mga graduates sa mga punchline ng senadora.
0 comments:
Post a Comment