Wala naman daw mawawala sa publiko kung isang oras lamang na makikilahok sa pagpatay ng ilaw kaugnay ng taunang Earth Hour na isasagawa muli mamayang gabi sa iba't ibang lungsod at bayan dito sa lalawigan ng Negros Occidental at sa iba't-abang dako ng mundo.
Konting sakripisyo lamang ang mangyayari na magagawa ng bawat isa tulad na lamang nang pagpatay ng ilaw, o i-turn off ang paggamit ng aircon mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi.
Gayunman, marami ring sektor ang hindi makikilahok bunsod nang maraming mga kadahilanan.
Pero hindi umano sila dapat ikondena tulad na lamang ng mga factory na may hinahabol na deadline o kontrata.
Ang maaari nilang gawin ay sa ibang oras o araw mag-Earth Hour.
Ang Earth Hour ay simbolo lamang ng pagmamahal ng tao sa inang kalikasan.
Nagpapakita rin ito na merong magagawa ang tao na bawasan ang consumption sa tinatawag na "carbon footprints" sa daigdig na ginagalawan.
Para sa mga Pinoy dapat hindi lamang isang oras ang pagtitipid ng koryente o Earth Hour kundi gawin din sa maraming beses lalo na ngayong summer season dahil sa manipis ang suplay ng koryente.
0 comments:
Post a Comment