Nasungkit ng Pilipinas ang "World Marathon Basketball Record" na non-stop basketball action na ginaganap sa Meralco Gym sa Pasig City.
Kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 117 oras nang naglalaro ang Team Walang Iwanan at Team Bounceback.
Target ng Pilipinas na maabot ang 120 hours na tuloy-tuloy na paglalaro para makuha ang bagong record ng Guinness World Record para sa longest basketball game.
Nakapag-ipon na ang dalawang team ng mahigit 16,000 points kung saan nalamangan na rin nila ang individual scores ng Missouri Athletic Club na nakapag-ipon lamang ng 11,000 points.
Mismong ang mga Guinness world basketball marathon record holders sa non-stop basketball na sina Chuck Williams, Jeffery Moore at Tony Tatar ang kabilang sa nagboluntaryo na lumahok sa naturang fund-raising event sa Pasig City sa Meralco Gym.
Ang iba pang kalahok sa "longest marathon playing basketball" ay ang 29-anyos na PE teacher at basketball coach na si Maricar Convencido; Larry Macapanpan, 43, isang dentist; Owen Mabaga, 29, engineer; Carlo Ferdinand Vasquez, 28, recording artist; Robbie Dell Macatbag, website developer; event coordinator Santos Tominio, OIC operator Evan Lazana, mga freelancers Justo Quita Jr. at Hazel Foja at mga estudyante na sina John Ray Mappala, Sandy Cenal, Abraham Compuesto III, Luis Jay Bolante, Harold Lomtong, Kerr Bangeles, Helino Francisco Jr., Robert Clark Bear, Paul Michael Dela Pena, Adin Rome Santos, Renell Montecillo at Jopet Quiro.
Una nang inanunsyo na ang malilikom na pondo sa Philippine Basketball Marathon event ay ilalaan sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda at pagpatayo ng basketball marathon village sa lalawigan ng Negros Occidental.
Matandaan ang Missouri Athletic Club sa St. Louis, Missouri ang may hawak ng marathon basketball record na 112 hours at 13 seconds noong 2012.
0 comments:
Post a Comment