Cabiao PNP sa lalawigan ng Nueva Ecija ay may bagong lead na sa pagpatay ng isang Negrense Overseas Filipino Worker sa London na kinilala kay Maribel Alpas, 32-anyos at tubong Barangay Asya sa bayan ng Hinobaan, Negros Occidental.
Ayon kay Chief Insp. Eric R. De Venancio, ang hepe ng Cabiao PNP, na-confirm na ni Jocebel Alpas ang kapatid ng biktima na ang ulo na natagpuan sa bayan ng Cabiao ay kay Maribel. Ayon sa kapatid nitong si Jocebel, isang magsasaka umano ang nakakita sa bangkay ng biktima at na-identify batay sa passport at iba pang dokumento na nasa tabi ng natagpuang ulo.
Napag-alaman na nawala ang biktimang si Maribel Alpas simula noong Marso 21, at Marso 25 nang natagpuan ang kanyang ulo sa Cabiao, Nueva Ecija.
Si Maribel ay dalawang taon ng nagtatrabaho at sa mag-asawang taga-Nueva Ecija na nagtatrabaho din sa London. Umuwi umano ang mga ito noong Disyembre kasama si Maribel ngunit bumalik sa London ang kanyang employer at noong Marso 21 sana ang balik nito matapos ang tatlong buwang bakasyon. Bago ang flight papuntang London ay dadaan sana ang biktima sa bahay ng kanyang employer sa Nueva Ecija matapos may pinapakuha itong dokumento na dadalhin sa kanyang pagbalik.
Ayon sa kapatid ng biktima, huling nakapag-text sa kanya ang kapatid noong Marso 20 dakong alas-8:00 ng gabi na nagsasabi na nasa Nueva Ecija na ito at papunta na sa lugar ng kanyang employer. Simula noon ay hindi na nakapagpadala ng mensahe ang biktima at nakipag-ugnayan din sila sa employer nito at doon nabatid na hindi ito nakarating sa London.
Una nang inimbitahan ng Cabiao PNP ang kapatid na lalaki ng employer ng biktima, na napag-alaman din siya ang sumundo sa biktima sa bus terminal ng Cabiao noong Marso 21. Maliban dito may CCTV footage din hawak ang mga kapulisan mula sa kuha ng isang gasoline station sa kalapit ng bayan.
Pinaniniwalaan din ng mga kapulisan na apat na araw ng patay si Alpas bago ito natagpuan noong Marso 25, ng umaga sa bayan ng Cabiao na ang kanyang ulo at katawan ay isinilid sa loob ng timba at na-aagnas na.
Si Alpas ay nakatakdang sanang bumalik sa London.
0 comments:
Post a Comment