Pumalo na sa 5.5 milyon ang mga batang manggagawa sa bansa ngayon na nasa edad 5 hanggang 17-anyos.
Ang naturang bilang ay batay sa resulta ng survey na sinuportahan ng International Labor Organization o ILO kamakailan.
Lumalabas din sa survey na bagamat 69% ng mga naturang bata ay nag-aaral habang nagtatrabaho, malaki pa rin ang pagkakataon na napipilitan ang mga itong tumigil sa pag-aaral.
Sinabi rin ng ILO na kapansin-pansin na lumala ang problema sa loob ng 10 taon dahil sa apat na milyon lang ang child laborers sa surbey noong 2001.
Ang kahirapan ang nagtulak sa mga bata na magtrabaho.
0 comments:
Post a Comment