BACOLOD CITY - Hahaharap sa kaso ang pulis na nahuli sa isinagawang buy bust operation dito sa lungsod ng Bacolod.
Ayon kay Police Regional Office-6 Director C/Supt. Josephus Angan, kaso kriminal at kasong administratibo na grave misconduct ang kakaharapin ni PO3 Lery Lumawag, naka-assign sa Candoni Police Station sa lalawigan ng Negros Occidental kung mapatunayan na ito ay nagtutulak o gumagamit ng illegal drugs.
Napag-alaman na nahuli si Lumawag kasama ang isa pang suspek na si Rogelio Maalat sa isinagawang operation ng Special Operations Group ng Bacolod City Police Office kagabi sa Lopez Jaena St., Bacolod City.
Na-recover sa kanila ang isang heat sealed plastic sachet ng suspected shabu, mga drug paraphernalia at P300 na marked money.
Mariing sinabi ni Angan na hindi tino-tolerate ng pulisya ang mga kasapi nitong lumalabag sa batas at hindi magdadalawang isip na sampahan ng kaso.
Si PO3 Lumawag ay sinasabing protector umano ng illegal drugs operation.
0 comments:
Post a Comment