Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mahigit 17,000 katao na ang apektado ng tropical depression "Caloy" na
kasalukuyang nagdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao, kabilang dito ang nasa 2,000 inilikas sa tatlong barangay sa Asuncion, Davao del Norte at Nabunturan sa Compostela Valley.
Tinukoy rin ng ahensiya ang pagtaas ng water level sa Saug at Manat Rivers na nasiyang nagdulot ng mga pagbaha sa mga apektadong lugar.
Inalerto na rin ng NDRRMC ang kanilang mga regional Offices of the Civil Defense o OCD na inaasahang maapektuhan ng bagyo.
Ipinag-utos na rin nito sa kanilang mga local units na agad magsagawa ng kaukulang precautionary measures, gaya na lang ng mga pre-emptive evacuation o paglikas sa mga residenteng nakatira sa mga mababang lugar at sa mga nasa gilid ng bundok upang mailigtas sila sa posibleng mga landslide at flash floods.
Ayon sa Pagasa, ang mga lugar na maaapektuhan ng bagyo ay ang Caraga at ilang bahagi ng Davao region.
Sinabi ni Office of Civil Defense-Davao regional director Loreto Rirao na nasa heigtened alert ngayon ang buong rehiyon upang mapaghandaan ang pananalasa ng bagyong Caloy.
0 comments:
Post a Comment