BACOLOD CITY - Kahapon ng tanghali, lumipad na patungo sa Riyadh, Saudi Arabia si Richel De Los Santos ang kapatid ng Bacoleña Nurse na si Evelyn De Los Santos upang kunin ang bangkay ng kanyang ate.
Nagpahiwatig naman ito ng pagkadismaya dahil tanging ang ospital na tinatrabahuhan ng kanyang kapatid ang tumutulong sa kanila upang makapunta sa Saudi at nagbigay ng pamasahe hanggang sa kanyang pagkain sa pananatili sa naturang lugar.
Aniya, humingi sila ng tulong sa tanggapan ni Vice Preisdent Jejomar Binay na siyang Presidential Adviser for Overseas Filipino Workers Concerns ngunit wala na itong nakuhang sagot matapos nalaman ang detalye ng pagkamatay ni Evelyn Delos Santos.
Wala ring naibigay na financial assistance ang Department of Foreign Affairs maliban sa pagbigay ng advice sa dapat nitong gawin upang maproseso ang pagkuha sa labi ng kanyang ate.
Hindi pa matiyak ni Richel kung kailan ito makakabalik sa bansa dala ang bangkay ng kapatid, depende sa bilis ng pagproseso sa repatriation ng bangkay.
Matandaan na natagpuang patay ang naturang nurse sa loob ng kaniyang silid noong Marso 8, at pinaniniwalaan na nilason ng mismong mister nitong isang Egyptian National.
0 comments:
Post a Comment