Nagtagisan ng ganda, talino at galing ang nasa 40 kandidata sa Binibining Pilipinas kagabi na ginanap ang coronation night sa Araneta Coliseum sa lungsod ng Quezon. Ngunit higit na nagningning ang ilan sa kanila matapos koronahan para sa iba't-ibang kompetisyong kanilang lalahukan.
Sila ang magiging kinatawan ng ating bansa para ipangtapat sa mga kandidata sa ibang mga bansa.
Narito ang listahan ng mga nagwagi:
Bb Pilipinas Universe: Mary Jean Lastimosa, Bb Pilipinas Intercontinental: Kris Janson, Bb Pilipinas Supranational: Yvethe Marie Santiago, Bb Pilipinas Tourism: Parul Shah, at Bb Pilipinas International: Mary Anne Guidotti habang 1st runner up naman si Laura Lehmann at 2nd-runner up si Hannah Sison .
Pinalitan ng mga ito sina Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida, Bb. Pilipinas-International 2013 Bea Rose Santiago, Bb. Pilipinas-Tourism 2013 Joanna Cindy Miranda, Bb. Pilipinas-Supranational 2013 Mutya Johanna Datul at First Runner-Up na si Pia Wurtzback.
Kabilang sa nagsilbing hurado sina: UAAP varsity player Jeron Teng, broadcaster Korina Sanchez, Sen. Sonny Angara, ABS-CBN execs Leo Katigbak at Cory Vidanes.
0 comments:
Post a Comment