Naglabas ngayon ng flood at landslide advisory ang Pagasa sa mga residente ng Southern Luzon dahil sa epekto ng low pressure area o LPA na sa bahagi na ng Palawan.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 120 kilometro sa silangan timog silangan ng Puerto Princesa City.
Kabilang sa maaapektuhan ng malakas na buhos ng ulan ang Bicol region, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Maliban dito, asahan din ang thunderstorm sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon; malaking bahagi ng Visayas at Northern Mindanao.
Tinatayang tatagal pa ang epekto ng LPA sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
0 comments:
Post a Comment