MURCIA - Isa ang nasawi habang apat naman ang sugatan matapos matamaan ng natumbang punongkahoy ang isang carry multicab dakong ala- 1:30 kahapon ng hapon sa Brgy. Alegria sa bayan ng Murcia, Negros Occidental matapos nabuwal ang puno habang dumadaan ang sasakyan sa naturang lugar
Kinilala ang namatay na si Ofelia Acosta, 63, habang patuloy namang ginagamot sa Western Visayas Regional Hospital ang mga sugatan na sina Lea Acosta, Ruby Ann Acosta, isang menor de edad na si alyas Rose at ang isang sanggol.
Nangyari ang aksidente habang malakas ang pagbuhos ng ulan at pinaniniwalaan na bumigay ang patay na punong kahoy matapos lumambot ang lupa na kinatatayuan nito.
0 comments:
Post a Comment