Kinumpirma ni Assistant Trainer Buboy Fernandez na tapos nang sumailalim sa lahat ng Medical Check-up si Former 8-Division World Champion Manny Pacquiao
Dumaan na sa mahirap na paraan ng pagsusuri ang kaibigan nitong si Pacquiao.
Dagdag pa ni Fernandez, matapos nilagyan ng dry drop ang mga mata nito kaya't naranasan ni Pacquiao ang panlalabo ng paningin na epekto umano ng mahigpit na medical check-up.
Matapos umanong nalagyan ang mata ni Manny kinukurap-kurap nito ang mga mata habang nakamasid naman si Fernandez.
Kinumpirma rin ni Buboy na nitong linggo lang nakuhaan ng blood sample ang boxer sa bahay nito sa LA at natapos na rin ang random drug test.
Nasa 110 percent nang preparado si Pacquiao para sa return bout nito laban kay Timothy Bradley Jr. Gagawin ang Pacquiao-Bradley fight sa Abril 13 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.
0 comments:
Post a Comment