Nabigo ang Filipino Minimumweight Boxer at dating Undefeated Merlito “Tiger” Sabillo na maidepensa ang hawak na korona matapos na matalo kay Francisco “Titanium” Rodriguez sa laban na ginanap sa Arena Monterrey sa bansang Mexico,
Nakalasap ng 10th round technical knockout loss si Sabillo.
Sa kabuuan ng bakbakan, lumabas na mas malakas at magaling si Rodriguez na kung saan bumagsak si Sabillo matapos ang round one.
Matatandaang nasungkit ni Sabillo ang WBO Minimumweight Title makaraang talunin ang pambato ng Nicaragua na si Carlos Buitrago sa kanilang laban na ginanap sa Araneta Coliseum noong nakaraang taon.
0 comments:
Post a Comment