Malaking karangalan ang pagpasok ng Pilipinas sa 10 Emerging Countries na may positibong kinabukasan sa pag-unlad.
Ang pagpasok sa top 10 ng bansa ay ipinahayag sa French Credit Body and Insurance Group na Coface.
Ibinatay ng Coface ang pagtukoy sa Top Emerging Countries sa papataas na pag-unlad at diversified and resilient economy ng isang bansa sa kabila ng mga pagsubok at kakayahan nitong pondohan ang pag-unlad pa.
Ang 10 New Emerging Countries ay hinati sa dalawang grupo.
Nasa tinaguriang sound business climate ang Colombia, Indonesia, Peru, Pilipinas at Sri Lanka.
Samantala, ang Kenya, Tanzania, Zambia, Bangladesh at Ethiopia ay nasa kategoryang very difficult o extremely difficult business environments.
0 comments:
Post a Comment