Limang kataong patay at labing lima na sugatan matapos nagbanggaan ang Bragais bus line sa nakaparadang 10-wheeler truck sa Barangay Bigcal, bandang alas-4:00 kaninang madaling araw.
Halos nabaklas ang kanang bahagi ng bus nang magbangga ito sa truck.
Dahil sa pangyayari, dead on the spot agad ang limang katao habang labing lima naman ang sugatan.
Hindi pa naman matukoy ang pagkakakilanlan ng mga drivers dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa umano ito makausap ng maayos na tila gulat pa sa kinasangkutan na aksidente.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari lalo, mistulang walang early warning device ang nasabing truck na siyang itinuturong posibleng sanhi ng aksidente.
Napag-alaman na ang nasabing bus line ay mula pa sa Metro Manila na patungo sa lalawigan ng Albay.