Bahagyang bumaba sa Mindanao ang Low Pressure Area na nagdudulot ng ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 80 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Dahil dito, asahan ang malalakas at biglaang pagbuhos ng ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas at Northern Mindanao na maaaring magdulot ng flashfloods at landslides.
Maliban dito, maulap pa rin sa Mimaropa, Bicol region, Caraga at ilang lugar sa hilagang silangan ng Mindanao.