Nanawagan ngayon ang isang grupo na nangangalaga sa kalikasan na magsama-sama para sa kapakanan ng boung bayan.
Ito ang inihayag ni Robert Gueverra, Presidente ng Earth Day Network Philippines.
Sinabi ni Mr. Gueverra, ang sentro ng selebrasyon ngayong taon sa Earth Day ay ang Climate Change.
Hindi lamang sa Pilipinas ang nakikiisa sa gagawing selebrasyon ngayon araw ng Martes, kundi ang may 200 bansa sa boung mundo.
Ayon pa kay Mr. Guevarra, lahat ng tao ay may magagawang mapangalagahan ang kalikasan sa pamamagitan ng paghihiwalay sa basura, pagpatay ng ilaw kapag aalis ng bahay, pagbabawas ng pagkain ng karne at maraming iba.
Ang tema ng 2014 Earth Day Celebration ay Earth Day Everyday, Everywhere, for Everyone.