Umakyat na ngayon sa anim ang mga Negrense na sinasabing kasama na nakasakay sa Etihad Airlines Flight EY 0424 na sinasakyan ng Pinoy Nurse na una nang na-report na pinaniniwalaang may Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-CoV.
Una na nabalita na lima lamang sa 20 katao na mga taga-Western Visayas na nakasakay ng nasabing eroplano. Tatlo dito sa lungsod ng Bacolod, isa sa lungsod ng Talisay at isa sa bayan ng Toboso.
Ang isa na nadagdagan ay taga-Bacolod at ngayon na-quarantine na sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital kasama sa ibang kinunan ng throat swab para examine sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM sa Metro Manila.
Samantala, naging negatibo naman ang dalawa sa lima na taga-Negros Occidental na una nang kinunan ng throat swab matapos makasama sa eroplano na sinakyan ng isang Pinoy Nurse mula sa Middle East na una nang na-report na positebo sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-CoV.