TOBOSO - Laslas ang leeg at nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang isang lalaki matapos nakipagkita umano sa kanyang ka-textmate.
Ang biktima ay kinilalang si Salvador Canello ng Sitio Minabongbong, Brgy. Bug-ang sa bayan ng Toboso, Negros Occidental.
Batay sa imbestigasyon ng PNP Toboso, nagtatrabaho ang biktima bilang construction worker sa isla ng Boracay ngunit umuwi sa bayan ng Toboso upang makipagkita sa kanyang textmate. Sinasabing nagkita ang dalawa ngunit pagkatapos ay nag-inuman pa sa isang tindahan sa Sitio Pulupangyan sa nasabing barangay, ngunit habang papauwi sa kanilang lugar ay inabangan ito sa daan ng hindi nakilalang salarin at pinaslang.
Na-recover sa crime scene ang isang bonnet at sandalyas ng isang babae. Napag-alaman na hiwalay na sa asawa ang biktima at ang kanyang textmate ay siya ring kasambahay ng kanyang dating misis at nagbabantay sa kanilang tatlong anak. Ngunit sinasabi na may kasintahan din umano ang naturang babae.
0 comments:
Post a Comment