VALLADOLID - Isang pugot na ulo na nakasilid sa sako ang natagpuan kahapon ng umaga sa Brgy. Sagwa sa bayan ng Valladolid, Negros Occidental.
Ang ulo ay may sugat sa noo bunga ng pagtaga at kahit halos bungo na ito ay may mga buhok pa na siyang nagpatibay sa pagkilala ng kanyang pamilya.
Ang ulo na natagpuan at nakasilid sa sako ay kay Berto Delicano, ito ang kinumpira mismo ng mga kaanak ng namatay.
Sa pagsisiyasat, napag-alaman na si Delicano ay namatay dahil sa sakit at inilibing noong Hunyo 2012 ngunit pagkalipas ng isang araw nadiskubre na nawala ang kanyang bangkay. Pinagputol-putol ang bangkay kung saan naiwan sa gilid ng nitso nito ang kanyang kamay, samantalang natagpuan ang katawan sa 'di kalayuan mula sa sementaryo ngunit nawawala naman ang ulo. Makalipas ang dalawang taon, kahapon lamang ito natagpuan. Hanggang ngayon ay palaisipan sa pulisya at sa pamilya kung sino at ano ang motibo sa naturang insidente.
Matapos ang halos dalawang taon, naisama na rin sa kanyang katawan ang ulo ng bangkay na ninakaw mula sa sementeryo.
0 comments:
Post a Comment