Nauwi sa pananaksak ang pikunan ng magkumpare sa Pacquiao-Bradley Rematch kahapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, nag-iinuman ang biktimang kinilalang si Raymar Bayle, 29-anyos, at ang kaniyang kumpare na si Arnold Ariate, 29-anyos, parehong mga taga-Barangay Taysan, Legazpi City, nang magkapikunan ito kaugnay ng laban ni Pacquiao at Timothy Bradley.
Nauwi ito sa mainitang pagtatalo na humantong sa pananaksak ni Ariate sa kaniyang kumpare.
Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling si Bayle sa ospital habang nananatili namang nakakalaya ang suspek.
0 comments:
Post a Comment